Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District -Police Station 4 ang apat na kalalakihan sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa may riles ng tren malapit sa G.Tuazon St., Sampaloc,Maynila.
Nakadetine sa MPD-PS4 ang mga suspek na sina Joel Bondame y Rosel alyas Baldo, 37 at taga 863 Geime St., Brgy. 527, Sampaloc, Manila; Emmanuel Rivera y Aguilar alyas Ting,51 ,driver;John Leonard Siguen alyas Yeyem,23; at Jes Yuson y Hernandez alyas Jes, 51, kapwa taga- 2109 Piesta St., Brgy. 351, Sta Cruz.
Napag-alaman na alas- 2:30 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa lugar kung saan nakumpiska sa mga suspek ang pitong gramo ng shabu.
Bago nito, ang MPD-PS 4 ay nakatanggap umano ng tawag kaugnay sa nagaganap na bentahan ng shabu sa lugar, kaya isang asset ang nakipag- transaksiyon sa mga suspek at nang magkaabutan ay kaagad na inaresto ang apat.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek.














