Nasawi ang isang apat na anyos na batang lalaki matapos malaglag mula sa ika-21 palapag na condominium at bumagsak sa bubungan ng isang Shell Gasoline station, kamakalawa ng hapon sa Mabini Street corner Quirino Avenue, Malate, Maynila.
Kinilala ni PSSg John Paul Rojo, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si ‘Joax’, ng Block 3 Lot 19 Don Gregorio Heights, Dasmariñas, Cavite.
Naganap umano ang insidente alas- 2:20 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Sa impormasyong nakuha kay Geson Deposa, 34,maintenance personnel at stay-in sa 2126 Building Le Mirage de Malate Condominium. nasa ika-anim na palapag siya at naglilinis nang. makarinig ng malakas na kalabog.
Nang tingnan ang pinagmulan ng kalabog ay nakita niya na nakahandusay ang biktima sa bubungan ng Shell gasoline station.
Kaagad na isinugod ang paslit sa Ospital ng Maynila (BOMA) pero idineklara itong patay alas-4 ng hapon dahil sa matinding pinasala sa katawan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung papaano nalaglag ang biktima sa condominium na nasa pangangalaga ng kanyang tiyahin na si Daniela Esperanzate, 20 anyos at siyang naokupa sa Unit 2114 ng nabanggit na building.














