ISANG amasona na nagpasyang magbalik-loob sa gobyerno ang isinuko ng barangay sa Manila Police District-Station 13 kamakalawa ng hapon sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Kinilala ang amasona na si Sarah Jagarap y Estoso,miyembro ng Communist Front Organization (CFO) af naninirahan sa # 274 Bik 15B, Barangay 649, BASECO Compound, Port Area, Maynila.
Napag-alaman na sumailalim sa debriefing,bio-profiling at lumagda sa ” oath of allegiance to the Government” si Jagarap.
Si Jagarap ay unang sumuko sa barangay noong Setyembre 2, ala- 3:40 ng hapon at ang nasabing barangay ang siyang nakipag-ugnayan sa pulisya para sa pormal na proseso sa pagsuko ni Jagarap.
Nakipag-koordinasyon naman ang MPD sa Philippine Navy (PN) para sa kustodiya ng amasona.
Nabatid na patuloy pa ring isinasagawa ang custodial debriefing kay Jagarap sa PN. (Jaymel Manuel)














