Kinumpiska ng Bureau of Plant industry (BPI) sa NAIA ang ilang agricultural products dala ng mga foreign passengers mula China at Addis Ababa.
Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang mga naturang produkto na bitbit ng mga pasaherong dayuhan sa NAIA terminal 1.
Kabilang sa mga nakumpiska mula sa tatlong pasaherong sakay ng China Airlines flight MF-819 ang sumusunod: 2.4 kgs ng plums; 1kg ng Apples; 3.1 kgs plums; 1.5 Nectarines at 1.5 kgs plums.
Kumpiskado din mula sa dalawang pasahero mula Addis Ababa ang 13kgs na yum; 1.7 kgs yum; at 0.2 kgs na chilli powder.
Ayon sa BPI, ang mga nakumpiskang agri products ay pawang walang kaukulang permit.
Mahigpit na pinagbabawal na makapasok sa bansa ang mga agri products dahil sa pinangangambahang peste na dala nito. (JERRY S. TAN)














