AFP AT PNP, NASA FINAL STAGE NG ELECTION SECURITY PREPARATION

KAPWA nasa huling yugto na nang kanilang paghahanda ang Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police para matiyak na magiging maayos, mapayapa, ligtas at kapanipaniwalang ang nakatakdang National and Local election sa darating na Mayo.

Nagsimula nang mag ikot at kausapin ni AFP chief of staff General Andres Centino ang kanyang mga unified at Division commander sa buong bansa para rebisahin ang mga inilalatag na security blanket sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga lugar na itinuturing na may mga areas of immediate concerns.

Maging si Philippine National Police chief Police General Dionardo Carlos ay abala sa pakikipag ugnayan sa kanyang mga PNP-DIPO (Directorates for Integrated Police Operations) Directors at ibat ibang major unit commanders kaugnay sa kanilang security at personnel deployments.


Nabatid kay Gen Carlos na mahigit 40,000 na mga pulis ang idedeploy ng PNP kaugnay sa nalalapit na May 9, 2022 polls.

Sinasabing kasado na ang latag ng seguridad sa lahat ng rehiyon sa bansa at nakaalerto na ang lahat ng mga itinalagang pulis.


Pahayag pa ng heneral na nakahanda na sila sa eleksyon at nasa ground monitoring phase na rin sila .Habang tinututukan naman ng kanilang Regional Special Operation Task Group ang mga lugar na posibleng magkaroon ng matinding tunggalian.

Kamakailan sa pangunguna Commission on Election kasama ang AFP at PNP ay sinuportahan nila ang paglagda sa isang peace covenant ng mga kandidato sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, mga lugar na laging binabantayan tuwing eleksyon.


Ayon kay Atty. Ray Sumalipao, Regional Election Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang peace covenant ay para sa sure, accurate, and free and fair elections (S.A.F.E) sa Mayo 9.

Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Saidamen Pagarungan at Comelec Commissioner Erwin George Garcia kasama ang mga Opisyal ng AFP sa pangunguna ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., na kumatawan kay AFP Chief of Staff General Andres Centino.

Lumagda rin ang mga opisyal ng PNP sa rehiyon sa pangunguna ni Area Police Command – Western Mindanao Commander Police Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo, na kumatawan kay PNP Chief General Dionardo Carlos.

“I salute all our political candidates from Basilan, Sulu, and Tawi-Tawi for your gesture of support for our quest for an honest, orderly, and peaceful election. Rest assured that your armed forces will go the extra mile to ensure that everyone is always safe and secured especially during the election period,” pahayag ni Lt.Gen. Rosario.

Una ng sinabi ni Comelec Chairman Pagarungan na nasa 12 lugar sa Maguindanao at Lanao del Sur kabilang ang probinsya ng Basilan ang posibleng isailalim sa Comelec Control.

Inihayag naman ni Lt Gen. Greg T Almero, pinuno ng Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) na mas pinatindi nila katuwang ang COMELEC at PNP ang ikinakasa nilang security preparations.

Nabatid na tuloy tuloy ang ginagawang pakikipag ugnayan ni Ltgen Almerol sa COMELEC at PNP at pakikipagpulong sa Regional Joint Security Control Center (RJSCC) para talakayin ang security preparation at troop deployment .

“We will coordinate closely with our security counterparts regularly before, during, and after the elections. We will also ensure that peaceful conditions prevail at polling stations and counting centers and that citizens can vote without fear of coercion, intimidation, manipulation, or violence,” dagdag pa ng opisyal. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: AFP chief of staff General Andres Centino

You May Also Like

Most Read