Adik na tripulante,arestado ng PCG

Arestado ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang “oiler” tripulante ng isang barko dahil sa pag-iingat ng shabu,sa isang barko sa daungan ng Batanes. kamakalawa

Itinurn -over sa PNP Basco Police Station ang suspek na si Wilbert Jay Salengua Camacho, 28, ng Barangay Ihubok I, Basco, Batanes.


Nabatid na nagsagawa ng inspeksiyon ang PCG K9 Team Batanes sa loob ng MV Everwin Star 3.

Na-detect ng Coast Guard Working Dog (CGWD) Snappy and dalawang sachet ng hinihinalang “shabu” na nakalagay sa isang maliit na kahon na nakita sa isang kabina ng MV Everwin Star 3 na tinutuluyan ng suspek.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,ang suspek. (Arsenio Tan)


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like