Latest News

Nakahandusay ang 9-anyos na biktima matapos magulungan ng trak sa Tondo, Maynila.

9-ANYOS, PISAK SA TRAK

NAGMISTULANG kamatis na pinisa ang nangyari sa ulo ng isang 9-anyos na batang lalaki matapos magulungan ng truck ang ulo nito kamakalawa ng hapon sa Tondo,Maynila.

Humiwalay sa leeg ang ulo, sumabog ang utak at nagkalat ang pira -pirasong bahagi ng ulo at mukha ng biktimang si Mark Persia, residente ng Building 9 Temporary Housing, Vitas, Tondo, Maynila.


Naaresto naman ng mga awtoridad ang driver ng truck na si Robert Soriaga, 47, ng 40 Don Pepe Street, Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Johnny Acebes ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD), alas-5 ng hapon nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng Delpan Service Road, kanto ng San Simon St., sa Tondo.

Nabatid na si Soriaga ay nagmamaneho ng tractor head (TWT-400) na may trailer (TUF-225) sa naturang lugar nang mahagip at masagasaan ng kanang hulihang gulong ang biktima, na noon ay nasa kalsada.


Kaagad umanong binawian ng buhay ang paslit.

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Manila Prosecutors Office ang driver.


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read