72 KILO NG DRIED MARIJUANA, NASABAT NG ADUANA AT PDEA

By: Victor Baldemor Ruiz

NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency -MICP ang nasa 72 kilos ng high- grade marijuana o kush, sa Manila International Container Port (MICP), Tondo, Manila

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, isang joint interdiction operation ang inilunsad ng Aduana katuwang ang PDEA – MICP na nagresulta sa pagkaka-diskubre sa suspected marijuana (kush) .


Sa report na sinumite ng PDEA Regional Office-NCR, isinagawa ang kanilang anti-narcotics operation sa Designated Examination Area (DEA), Container Facility Station 3 (CFS), sa Manila International Container Port (MICP), at dito nadiskubre ang 138 piraso ng heat-sealed transparent plastic bag na naglalaman ng pinatuyong dahon na pinaniniwalaang marijuana (kush) na tumitimbang ng humigit-kumulang sa 72,178 gramo .

Mula ito sa isang abandonadong container at itinatayang nagkakahalaga ng P101,049,200, kung saan nadiskubre ang hinihinalang illegal substance na nakapaloob sa limang balikbayan boxes na nagmula sa Thailand.

Kasalukuyang inaalam ngayon ng PDEA ang shipper at receiver ng nasabing kontrabando.


“Once proven, appropriate charges will be filed in violation of RA 9165, ani Director Emerson R Rosales, Regional Director of PDEA – RO NCR,” anito.

“Importing illegal drugs into the country is prohibited and may face a penalty of life imprisonment and a fine ranging from P500,000 to P10 million pesos,’ babala ni PDEA RO-NCR Director Emerson R Rosales.VRUIZ


Agad na dinala sa PDEA Laboratory Service ang nasabat na drug evidence para sa kaukulang laboratory examination habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing shipment.


Tags: BOC Commissioner Bienvenido Rubio

You May Also Like

Most Read