70 dayuhan, naka-detine sa iligal na POGO, nasagip ng NBI

Nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 73 dayuhan habang arestado ang isang Chinese national sa sinalakay na iligal na Philippine offshore gaming operator (POGO) site sa Cainta, Rizal.

Ayon sa NBI,nasagip nila ang 70 Chinese workers,dalawang Taiwanese ,isang Malaysian at isang Vietnamese sa isinagawang operasyon.


Nabatid na nakipag-ugnayan ang NBI sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Immigration at sa Chinese embassy.

Ayon kay NBI Assistant Director for Investigative Service Jose Doloiras ,nakatanggap sila ng kahilingan mula sa Chinese Embassy na sagipin ang mga chinese nationals.

Sinabi ni Doloiras na patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang NBI dahil ayaw pang magsalita ng mga nasagip.


Gayunman, isa sa Chinese nationals na biktima ang nagsabi na siya at ilan niyang kasama ang pinuwersa na magtrabaho sa online casino at sila ay sinasaktan ng naarestong suspek, kapag tumatanggi sila. Ipinakita pa ng biktima ang paso sa kanyang likod at hita.

Hindi umano sinabi sa kanila na magta-rabaho sila sa iligal na POGO matapos na i-recruit.


Ayon sa NBI iti-turn over nila sa Bureau of Immigration (BI) ang mga nasagip na dayuhan kapag natapos ang pagdo-dokumento sa mga dayuhang nasagip.

Patuloy umano ang NBI sa operasyon para masugpo ang ganitong uri ng iligal na aktibidad. (Philip Reyes)


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like