Latest News

Nagkakatuwaan sina MPD Director PBGen. Andre Dizon at Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) President Itchie Cabayan habang kasama ang mga opisyal ng lungsod na maglakad patungong Jones Bridge para sa Chinese New Year countdown. (JERRY S. TAN)

PBGEN. DIZON: 600,000 TAO, DUMAGSA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR SA MAYNILA

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon na naging mapayapa sa kabuuan ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Maynila.

Sa pagtaya ng MPD, aabot umano sa humigit-kumulang sa 600,000 katao ang dumagsa sa Binondo, mula umaga hanggang hatinggabi ng Enero 21, 2023 hanggang Enero 22.


Nasa 120,000 naman ang mga taong sumaksi sa fireworks display sa Binondo, habang 5,000 naman sa Jones Bridge.

Habang isinusulat naman ang balitang ito ay maraming tao pa rin ang nagdadatingan sa Chinatown upang makiisa sa selebrasyon. (JERRY S. TAN)


Tags: Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon

You May Also Like