6 PULIS-CALOOCAN, NAPIPINTONG MASIBAK

ORAS na aprubahan ni PNP officer in charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang rekomendasyon ng PNP internal Affairs Service, tiyak na sibak ang anim na pulis-Caloocan .

Ito ay makaraang napatunayang guilty ang 6 na pulis sa kasong grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer na inakusahang nanakit at nagnakaw sa isang vendor.


Dahil dito ay pinasisibak na sa serbisyo ng PNP- IAS ang anim na pulis na inireklamo na kinilalang sina PCpl. Noel Sison; PCpl. Rommel Toribio; PCpl. Ryan Sammy Mateo; PCpl. Jake Rosima; PCpl. Mark Christian Cabanilla at PCpl. Daryl Sablay na pawang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police Station

Ayon kay Atty. Alfegar Triambulo, PNP IAS Inspector General, nagsumite na sila ng rekomendasyong sibakin ang anim sa serbisyo, sa tanggapan ng PNP directorate for Personnel Records and Management – Discipline Law and Order Division.

Sinabi ni Atty. Triambulo na bigo ang mga pulis na ito na magpaliwanag sa kanilang ginawa sa vendor na nakunan ng CCTV.


Ang nasabing anim na pulis na ito ay nag-viral sa social media matapos makunan ng CCTV ang ginawang pagpapaluhod at pagbatok sa vendor na si Eddie Yuson noong March 27, 2022.

Nakunan din ng CCTV ang pagkuha ng pera ng mga pulis sa bag ng vendor na nagkakahalaga ng ?14,000.


Kapag inaprubahan ni Lt. Gen. Danao Jr., ang rekomendasyon walang makukuhang anumang benepisyo sa PNP at hindi na kailanman makakapagtrabaho sa gobyerno ang mga akusado. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Lt. Gen. Vicente Danao Jr.

You May Also Like