Latest News

6 NA CALOOCAN POLICE, SINIBAK

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police chief P/General Dionardo Carlos sa PNP-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) na imbestigahan ang background at mga posibleng kasong kinasasangkutan ng anim na pulis Caloocan na sinibak at inilagay sa restrictive custody dahil sa kasong pagnanakaw sa isang padre de pamilya.

Kasabay nito ay nanawagan din si Gen Carlos sa iba pang mga biktima ng anim na pulis kalookan na sinasabing sangkot sa pagnanakaw na makipag-cooperate ng husto sa mga otoridad.

Ayon kay PNP Public Affairs Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba, nasa restrictive custody na ngayon ang anim na pulis at iniimbestigahan na ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang nasabing mga pulis na miyembro ng Caloocan Drug Enforcement Unit.


Kinilala ang mga suspek na sina PCpl Noel Espejo Sison, PCpl Rommel Toribio, PCpl Ryan Sammy Gomez Mateo, PCpl Jake Barcenilla Rosima, PCpl Mark Christian Abarca Cabanilla, 31 at PCpl Daryl Calija Sablay.

“The involved personnel were immediately relieved so a fair investigation can proceed without any undue influence. They are now under restrictive custody, and disarmed of their service firearms,” ani PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa inilabas na pahayag

Matatandaang nakunan ng CCTV ang insidente kung saan akusado ang mga pulis ng pagnanakaw ng P14,000.00 na ayudang nakuha ng biktimang si Eddie Yuson, 39 anyos mula sa livelihood program ng Department of Social Welfare and Development nuong March 27,2022.

Nagsasagawa umano ng anti-illegal drug operation ang mga pulis nang mangyari ang insidente.


Inatasan na rin ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos si NCRPO Chief PMGen. Felipe Natividad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente.

“Scalawags and erring members have no place in the PNP and rest assured that we will never tolerate unlawful acts perpetrated by our members,” pahayag naman ni Natividad. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Philippine National Police chief P/General Dionardo Carlos

You May Also Like

Most Read