Latest News

6 arestado sa Recto University

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang anim na indibidwal, kabilang ang dalawang babae na sangkot sa pamemeke ng dokumento sa isang entrapment operation ,kamakalawa ng gabi sa Claro M.Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PMAJ Rommel Purisima , Acting Chief, ng MPD- DSOU ,ang mga suspek na sina Neil Jadonete,54; Orlando Dulay,52 ; Christian Bejec,28; Bernabe Grajo; Dinalyn Coquia,40; at Alice Braga,30.

Alas- 6:10 ng gabi nang isagawa ang entrapment operation sa kahabaan ng Claro M.Recto Avenue sa Sta. Cruz.


Isa umanong poseur- customer ang nagpagawa ng lisensiyang peke sa halagang P500 at nang iabot ang dokumento ay saka inaresto.ang.mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang P500 marked money, dalawang pekeng lisensiya at isang cellphone.


Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 172 of the Revised Penal Code for Falsification of Public Documents,ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office. (Anthony Quindoy)

 


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read