By: JANTZEN ALVIN
Nasa mahigit 500 miyembro ng mga militanteng grupo ng magsasaka ang nagsagawa ng kilos-protesta kahapon ng umaga sa Mendiola, Maynila.
Pasado alas-10 ng umaga nang magsimulang magtipon -tipon sa Mendiola ang mga militanteng grupo.
Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mga magsasaka na palayasin ang mga militar sa mga kanayunan, presyo ng bilihin ibaba at sahod ng mga manggagawa itaas.
Sinabi din ng grupo na sagot sa krisis sa pagkain ay ang tunay na reporma sa lupa.
Pinatitigil rin ng grupo ang palit -gamit ng lupa at hinikayat ang mga kabataan na sumama sa laban ng mga magbubukid.














