Agad na namatay ang isang 43- anyos na lalaki matapos barilin ng kanyang kapitbahay na hinihilang dati niyang nakaalitan, habang siya ay nagto- ‘tong- its’, kamakalawa ng madaling araw sa isang eskinita sa Gate 54, Area C, Parola Compound, Tondo, Maynila.
Idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Francis Leonoras, residente sa nabanggit na lugar, habang tumakas naman ang suspek na si Darwin Vargas, nasa hustong edad at kapitbahay ng biktima.
Ayon sa imbestigasyon ni PSMS Jansen Rey San Pedro ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente alas- 2 ng madaling araw sa naturang lugar habang nagtu- ‘tong its’ ang biktima.
Nabatid na nang dumating ang suspek ay binaril nito ang biktima habang nakatalikod at tinamaan ito sa likurang bahagi ng ulo.
Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa di tukoy na lugar at lumabas sa imbestigasyon na may matagal nang alitan ang suspek at biktima.
Dinala ang bangkay sa funeral parlor para sa awtopsiya, habang pinaghahanap ang suspek para papanagutin sa krimen.