Latest News

4 BANYAGA, KINASUHAN NG KIDNAPPING AT MURDER; BIHAG, PINATAY

APAT na banyaga ang sinampahan ng kasong kidnapping for ransom with murder ng Philippine National Police –Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) nitong nakalipas na linggo.

Ang apat na banyaga na kinabibilangan ng tatlong Chinese nationals at isang Vietnamese ay dinakip ng mga operatiba ng PNP AKG kaugnay sa pagdukot at pagpatay ng isang Filipino-Chinese businessman noong umaga ng Marso 18, 2023 sa Quezon City, habang tinutugis pa rin ang mga kasabwat ng mga inaresto matapos nilang tanggapin ang utay- utay na ransom na ipinadadala ng pamilya ng kidnap victim.

Nabatid na naghain ng reklamo ang pamilya ng biktima na agad na inaksyunan ng mga operatiba ng PNP-AKG at kagyat na sinimulan ang imbestigasyon matapos na padalhan ng katibayan ang PNP hinggil sa ginagawang pagpapahirap sa biktima.


“May mga violence na ginawa doon. Pinutulan ng parte ng katawan… the torturing was documented and then sent to the family. So pinapadala po nila sa family ‘yun para po magpadala po ng pera, itong mga nahuli po natin ay mga nag-receive ng ransom’”pahayag ni PLt. Col. Ryan Manongdo ng PNP-AKG.

Sa imbestigasyon at habang nagba- backtracking ay lumitaw na pinatay na umano ng mga abductors ang kanilang biktima at itinapon ang bangkay nito sa Tanza, Cavite noong umaga ng March 22, 2023.


“Nung na-confirm na natin na yung itinapon na bangkay doon sa Tanza Cavite, doon na nagsimula yung intensity nung paghanap sa ransom taker, paliwanag ni Manongdo.

Humingi ng tulong ang PNP AKG sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para makakatulong sa pagkakakilanlan at lokasyon ng mga posibleng suspek.


Noong nakaraang linggo ay naglunsad ng operasyon ang PNP-AKG laban sa mga suspek na nasa likod ng kidnapping incident.

Sa pinagsamang operasyon ng PNP-AKG at Parañaque City Police Station, naaresto ng mga awtoridad ang tatlong Chinese matapos i-withdraw ang ransom money na idineposito sa kanilang bank account sa loob ng isang bangko sa Parañaque City.

Ang isa pang suspek na isang Vietnamese ang sumunod na inaresto sa parehong araw sa Taguig City . Ginamit ang bank account ng Vietnamese sa pagtanggap ng ransom money na idineposito ng pamilya ng biktima na nagkakahalaga ng P560,000. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG)

You May Also Like

Most Read