210 ahente ng NBI, ikinalat nationwide para mag-imbestiga sa cybercime-related offense

Nagtalaga ng 210 karagdagang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) nationwide para magsagawa ng imbestigasyon laban sa mga cybercrime-related offense at para mang-aresto ng mga lalabag.

Gayundin, nabatid na bumili ang NBI ng iba’t- ibang high-tech equipment para ma-improve ang pagtugon, imbestigasyon at seguridad ng NBI-CCD.


Nai-turn over na ang.mga high-tech na kagamitan kay NBI Officer-in-Charge Director Eric B. Distor noong Hunyo 9.

“Today, I have assigned ten more agents in Cybercrime Division in Manila and designated 210 agents for Regional and District offices of the NBI as cybercrime agents who will handle cybercrime related cases”,ayon kay Distor.

Sa ilalim umano ng Republic Act No. 10867, ang batas sa ” Reorganizing and Modernizing the NBI,” ang kagawaran ay may mandato na.magsagawa ng imbestigasyon at deteksiyon sa krimen at paglabag na nakasaad sa batas.


Una nang iniutos ni Distor ang pagpapataas ng kakayahan ng anti-cybercrime unit para.kaagad na tumugon sa mga reklamo ng pribadong citizen gaya ng identity theft, online scam o fraud, hacking ng bank accounts at personal accounts, phishing, cyber libel, forensic accounting, at iba pang paglabag sa ilalim ng RA 10175.(Carl Angelo)

DOH: NCR, nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng bagong COVID-19 cases sa nakalipas na linggo


Muling pinakalma ng Department of Health (DOH) ang publiko sa bahagyang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID19 sa bansa nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire,hindi pa rin naman kasi nakaka-alarma ang naganap na bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Nabatid kay Vergeire na ang NCR ay nakapagtala ng 1.6 porsyentong pagtaas sa positivity rate habang 14 sa 17 lugar sa bansa ay mayroon ring positive growth rate.

Sinabi rin ng DOH sa hiwalay na pahayag na ang positivity rate sa NCR ay nasa 2 percent sa pagitan ng Hunyo 2 at Hunyo 8.

“According to the latest data from our COVID-19 Surveillance Unit, National positivity rate is at 1.6 percent while NCR positivity rate is at 2 percent for the week of June 2 to June 8, 2022,” ani DOH.



“Sa ngayon, nakikita natin, nasa low-risk pa naman tayo. Ibig sabihin itong mga kaso natin, hindi pa nasu-sustain ang pagtaas na tuloy-tuloy,” pahayag naman ni Vergeire, sa isang public briefing.

“Ibig sabihin nadadagdagan po ang kaso pero katulad ng sinabi natin, hindi pa siya ganoon ka-significant because ang ating admissions naman sa mga ospital ay hindi pa tumataas pa at ang ating severe and critical, hindi pa mataas,” dagdag ni Vergeire.

Kaugnay nito, Iniuugnay ni Vergeire ang pagtaas ng mga bagong kaso ng virus sa presensiya ng mas nakahahawang subvariants ng Omicron sa bansa, gayundin sa nababawasang proteksiyon laban sa virus. (Jantzen Tan)

Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like