Dahil umano sa selos ay nagbigti ang isang 20-anyos na lalaki, matapos madiskubreng may ibang karelasyon ang kinakasama,
Kinilala ni PSMG John Kelvin Zuñiga, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Don Garcia, ng 1144 Batanes St. Sampaloc, Maynila.
Nadiskubre umano ang pagpapakamatay ng biktima ng kanyang ama alas- 6 ng umaga nang marinig ang sigaw ng kanyang misis.
Nang puntahan ay nakita ang biktima na nakabigti gamit ang isang kulay maroon na sinturon.
Tinangka pa umanong i-revive ang biktima pero hindi na kinaya dahil matigas na ang katawan nito nang matagpuan.
Nag-iwan pa ng mensahe sa messenger ang biktima na humihingi ng paumanhin sa kanyang ginawa.
Sa paniniwalang wala namang ‘foulplay’ na naganap ay tumanggi ang pamilya ng biktima na paimbestigahan pa ang pagkamatay nito.