Patay ang isang lalaki habang nasa kritikal na kondisyon ang kasama nitong babae matapos pagbabarilin ng suspek riding in tandem, kahapon ng hapon sa panulukan ng Rizal Avenue at Bambang Street sa Sta.Cruz,Maynila.
Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Alvarez PCP, sumakay umano sa terminal ng tricycle ang dalawang hindi nakikilalang biktima at pagsapit sa harap ng isang Generika Drug store ay pinagbabaril ito ng suspek nakasakay sa isang kulay orange na motrsiklo.
Naganap ang insidente pasado alas 2 ng hapon sa may Bambang St.matapos makarinig ng 6 na putok ang ilang concerned citizen.
Mabilis naman isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktima. Ayon sa testigong si Richie Ledesma,tricycle driiver at taga 1368 abambang At.Sta.Cruz,Maynila ,nasa loob siya ng kanyang ipinapasadang tricycle nang makita niyang bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD-PS 3 sa motibo ng krimen.(Jantzen Tan)














