17-anyos pinagalitan ng tatay, nagbigti

Nagbigti ang isang 17- anyos na binatilyo gamit ang isang extension wire matapos na sumama ang loob sa kanyang ama nang pagalitan dahil sa malimit na pagpunta sa kanilang bahay ng isang babae,kamakalawa ng gabi sa Sampaloc,Maynila.

Ayon kay PCpl.Rodilfo Acostaf ng Manila Police District-homicude section, Isinugod pa sa Ospital ng Sampaloc,ang biktimang si ‘Joshua’, ng 1035 Bohol St.Sampaloc,Maynila pero hindi naisalba ng mga doktor.


Alas-9:50 ng gabi nang madiskubre ang ginawang pagbibigti ng biktima ng kanyang kapatid na si Roy.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima alas-6 ng gabi habang pinapagalitan ng kanyang ama na si Santiago dahil sa malimit na pagpunta tuwing gabi sa kanilang bahay ng kaibigang babae ng biktima.

Napag-alaman na sumama ang loob ng biktima sa mga binitiwang salita ng kanyang ama kaya minabuting wakasan na ang kanyang buhay.


Ilang oras pa ang nakalipas ay nakita na itong nakabigti sa loob ng bahay.


Tags: Manila Police District-homicude section

You May Also Like