Latest News

17-anyos na rapist, arestado

Arestado ang isang 17-anyos na binatilyo sa kasong rape, kamakalawa ng hapon sa may Arellano St., Sta.Ana, Maynila.

Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest inisyu ni Presiding Judge Mariesther Vedana,ng Manila RTC Branch 48 .

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan mg suspek na umano’y inakusahang nanggahasa sa isang 10-anyos na dalagita.


Alas- 4:30 ng hapon nang madakma sa lugar ang suspek na taga- San Andres Bukid, Maynila.

Itinurn-over naman ni MPD-Police Station 6 station commander PLTCol Orlando Mirando sa District Social Welfare and Development (DSWD-MYRC) Manila,ang binatilyo. (Carl Angelo)


Tags: Manila RTC Branch 48

You May Also Like

Most Read