Latest News

147 bagong immigration officers (IOs) sa NAIA

By: Jerry S. Tan

NAKATAKDANG maglagay ng 147 bagong immigration officers (IOs) para sa on-site training sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa Abril 24.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, dadagdagan ng mga bagong opisyal ang manpower ng ahensya sa premiere port sa kasagsagan ng travel season ngayong summer.

“This action will help improve our service to the travelling public during this time, as well as ensure that immigration protocols are carried out properly against trafficking threats,” sabi ni Tansingco.


Sa pagtatapos ng kanilang pagsasanay, ang nasabing mga tauhan ay ipapakalat sa iba’t ibang paliparan at opisina ng BI sa buong bansa.
“This is part of our continuing goal of improving our manpower by maximizing our plantilla,” ani Tansingco.

Bukod sa pagsasanay, ang mga BI personnel ay nakatakdang sumailalim sa patuloy na pagsasanay upang mapabuti ang parehong hard skills at soft skills.
“We want a more holistic approach in our trainings for our officers. Apart from theoretical trainings, we want to increase our trainings in other skills, like communication and conflict resolution, which are very important in the conduct of their duties,” dagdag pa ng opisyal.

Tags: BI Commissioner Norman Tansingco

You May Also Like

Most Read