Latest News

Binati ni Mayor Honey Lacuna ang Manila social welfare department sa patuloy na accreditation ng daycare centers at workers sa lungsod. (JERRY S. TAN)

142 daycare at 156 workers sa Maynila, na-accredit — Mayor Honey

BUONG pagmamalaking inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na mahigit isandaang child daycare centers at daycare workers sa lungsod ang tumanggap ng accreditation mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Early Childhood Care Development (ECCD) Council.

Ito, ayon sa alkalde ay malaking tulong sa social services program ng lungsod sa patuloy na pagbibigay nito ng mga pangunahing pangangailangan ng residente sa lungsod.

Binati ni Lacuna si Manila department of social welfare head Re Fugoso pati na ang mga kawani sa pagkakaroon ng accreditation at nagpahayag ng pagtitiwala na ang lahat ng daycare centers at daycare workers sa Manila ay ma-a-accredit.

Nabatid kay Fugoso na ang second batch ng accreditation ay umabot na sa 142 child development centers o daycare at 156 daycare workers.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Fugoso na ongoing pa ang accreditation processes para sa third batch. May 420 daycare teachers sa lungsod.

“Balita ko, ang third batch ay ongoing na ang accreditation. Sana, lahat ng centers and workers ay tuluyang ma-accredit,” sabi ni Lacuna.

Ang pagkilala sa daycare centers ay nagmula sa (ECCD) Council at sa DSWD. (JERRY S. TAN)

Tags:

You May Also Like

Most Read