Latest News

13-ANYOS BASURERO, BINARIL, PATAY

NASAWI ang isang 13 anyos na binatllyo matapos barilin ng hindi nakikilalang gunman habang nangangalakal ng basura, kamakalawa ng gabi Mel Lopez Boulevard, Tondo, Maynila.

Ayon kay PEMS Jero Santos,imbestigador ng Manila Police District-homicide section nalagutan ng hininga ang biktimang si Noel Novela, ng GK Compound, Happy Land , Brgy 105 Zone 9 , Tondo habang inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC).

Nabatid na naganap ang insidente alas.9:58 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Sinabi ng testigo na nangangalakal umano ng basura ang biktima nang biglang may pumutok na baril kaya nagtakbuhan ang mha tao sa paligid.

Kasunod nito,nakita na duguan ang biktima kaya mabilis itong isinugod ng mga barangay tanod sa lugar sa pagamutan. Alas 12:30 ng madaling araw nang tuluyang bawian ng buhay ang biktima .

Patuloy naman inaalam ng pulisya kung sino ang nagpaputok ng baril.

Tags:

You May Also Like

Most Read