Latest News

12-anyos estudyante, pabirong itinulak ng “bestie” sa ilog Pasig, patay

Wala nang buhay nang makitang lumutang-lutang ang isang 12- anyos na dalagita matapos na “pabirong maitulak” ng babaeng kaibigan na kasama niyang maliligo sana sa ilog Pasig,kamakalawa ng hapon sa may Sta. Ana ferry station sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ni PEMS John Charles Duran ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Ghieden Pacapac ,estudyante at taga 1944 A. Francisco St., Sta. Ana, Maynila.

Batay sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima alas- 6 ng umaga papuntang Pasig River sa may JP Rizal Avenue,Brgy Poblacion, Makati, kasama ang kanyang mga kaibigan para mag-swimming.


Pagsapit sa ilog, isa sa kaibigan ng biktima ang pabiro itong itinulak, dahilan para mahulog sa tubig at hindi na lumutang pa.

Kaagad namang ini-report sa Makati Police Station at Philippine Coast Guard(PCG) para hanapin ang biktima pero hindi ito nakita.

Ang biktima ay nakita ng PCG Malacanang substation. Positibo namang kinilala ng kanyang ina na si Anna Marie Enrera na anak niya ang lumutang na bangkay.

Itinurn-over sa Makati Police Station ang kaso na siyang may hurisdiksyon para mag-imbestiga. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read