Latest News

10 bahay, naabo sa sunog sa Maynila

Umabot sa 10 bahay ang naabo sa naganap na sunog sa isang residential area, kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP),ang sunog ay nagsimula sa dalawang palapag na bahay na yari sa kahoy alas-7:18 ng umaga sa Alvarez corner Natividad Streets,.Sta.Cruz.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fire under control alas-8:10 ng umaga.


Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa sunog na.mabilis na kumalat sa mga katabing bahay na.pawang yari sa light materials.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng arson division sa sanhi ng sunog. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read