Message of Sec. Gilberto C. Teodoro, Jr. on the 125th Commemoration of the Philippine Independence Day

Isang maalab na pagbati sa lahat ng Pilipino sa ika-125 na anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas! As the newly designated Secretary of National Defense, it is a great honor to celebrate this momentous occasion as a part of the organization serving as the custodian of our sovereignty.

Ang ika-12 ng Hunyo ng bawat taon ay isa sa mga pinakamahalagang araw para sa sambayanang Pilipino. Ito ay hindi lamang araw upang ipagdiwang ang tagumpay ng ating kasarinlan, kung hindi isang paalala rin sa naging sakripisyo at katapangan ng ating mga ninuno sa ngalan ng pagtatatag at pagtatanggol ng ating bayan.


Sa loob ng mahigit na isang siglo, ang kanilang kabayanihan ang nagsilbing gabay sa pagtaguyod ng soberanya ng ating Inang Bayan. Ang pagdiriwang ngayong taon, na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” ay patunay na sa pagbabalik-tanaw, unti-unti rin nating tinatahak ang daan tungo sa ating kinabukasan.

Tulad ng mga aral sa ating kasaysayan, makakamit lamang natin ang ating mga minimithi para sa ating bayan kung tayo ay nagkakaisa at nagmamalasakit sa isa’t isa, dito sa ating bayan at sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Kaisa ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa sa patuloy na paghahangad at pagtataguyod ng ligtas, mapayapa, nagkakaisa, at maunlad na Pilipinas.


May we continue to be worthy heirs of our heroes’ legacies and responsible stewards of the next generation birthright. Amid current and emerging challenges, we will continue to strive for the protection and betterment of our motherland.

Mula sa inyong One Defense Team, isang makabuluhan at maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat! Mabuhay ang Pilipinas!


Tags: Secretary of National Defense

You May Also Like