Latest News

Meralco taas-presyo ngayong Marso

INANUNSYO na ng Manila Electric Co. (Meralco) sa kanilang customers ng pagtaas ng electricity rates ngayong buwan ng Marso bunsod na rin ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Ayon sa Meralco, itataas ng P0.0625 kada kilowatt-hour (kWh) ang electricity rate kung saan papalo na ito sa P9.6467/kWh ngayong buwan ng Marso mula sa P9.5842/kWh noong Pebrero.

Ang pagtaas ng power rate ngayon buwan ay matapos ang nakalipas na dalawang sunod na buwan ng pagbaba ng power rates.

Ang bagong pagtaas sa electricity rate ay nangangahulugan ng dagdag na P13 sa residential customer na kumukunsumo ng 200 kWh.

Tags:

You May Also Like

Most Read