MERALCO, MAY SINGIL-KURYENTE NGAYONG MARSO

By: Baby Cuevas

Magtataas ng 2.29 sentimo kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Marso.

Sinabi ng Meralco na ang taas-singil ay bunsod ng pagtaas ng transmission charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nag-overlap sa pagbaba ng generation charge.


Anang Meralco, ang overall rate ay magiging P11.9367/kWh na mula mula sa dating P11.9168/kWh noong Pebrero.

Ito ay nangangahulugan rin ing halos P5 na dagdag sa bayarin para sa mga tahanang kumo-konsumo ng 200 kWh kada buwan.


Tags: Manila Electric Company (Meralco)

You May Also Like

Most Read