Meralco, may 29 sentimong tapyas sa singil sa kuryente ngayong Agosto

By: Baby Cuevas

Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng 29 sentimong tapyas sa singil sa kuryente ngayong Agosto.

Sa abiso nitong Miyerkules, nabatid na babawasan ng Meralco ang singil nila ng P0.2908 per kilowatt-hour (kWh) ngayong Agosto.


Bunsod nito, ang overall rate para sa typical household ay magiging P10.8991 per kWh na lamang mula sa P11.1899 per kWh noong Hulyo.

Ang naturang tapyas sa singil ng kuryente ay nangangahulugan ng P58 na bawas sa bayarin ng mga residential customers na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Nasa P87 naman ang bawas sa mga nakakagamit ng 300 kWh, P116 tipid sa mga kumukonsumo ng 400 kWh at P145 naman sa mga nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.


Sinabi ng Meralco na ang pagbaba ng singil ay dulot nang pagbaba rin ng generation at transmission charges, gayundin ng iba pang singilin.


Tags: Manila Electric Company (Meralco)

You May Also Like