Latest News

Meralco, handang-handa na para sa 2023 BSKE

By: Baby Cuevas

Tiniyak ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na handang-handa na sila upang magsilbi para sa idaraos na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa katapusan ng buwan.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng Meralco na nakaantabay na ang kanilang mga tauhan upang tumugon sa anumang electricity service concern sa panahon ng halalan.

Nakapag-inspeksiyon na rin umano sila ng kanilang mga electric facilities na malapit sa may 3,000 polling at canvassing centers.

Samantala, nagpapatuloy pa rin umano ang isinasagawa nilang inspeksiyon at maintenance activities sa kanilang mga pasilidad na magsisilbi sa polling at canvassing centers upang matiyak na magiging tuluy-tuloy ang suplay ng kuryente sa mismong araw ng eleksiyon.

Nag-trim na rin umano sila ng mga puno at nagtanggal ng mga hazards na maaaring makahadlang sa mga linya ng kuryente.

Nag-antabay na rin umano sila ng mahigit 300 generator sets at halos 800 floodlights, na maaaring magamit sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang power interruption.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nakaalerto rin 24/7 ang Meralco sa araw ng halalan upang rumesponde sa anumang distribution related problems, hanggat hindi pa natatapos ang proseso ng halalan.

“Meralco will be on alert 24/7 to respond to any distribution related problem until the conclusion of the election process. Our crews will be deployed in strategic locations across its franchise area and will be ready to address any possible problem on electricity service,” aniya pa.

Kaugnay nito, pinaalalahanan rin ng Meralco ang personnel na magbabantay sa mga polling at canvassing centers na iwasan ang pagsasaksak ng mga hindi kinakailangang appliances at iwasan ang mga “octopus” connections na maaaring magresulta sa overloading.

“The public meanwhile is urged to refrain from using balloons, firecrackers, confetti, party poppers, and the like near overhead lines and facilities to avoid line tripping and power interruptions,” paalala pa nito.

Ang 2023 BSKE sa bansa ay nakatakdang idaos sa Oktubre 30.

Tags:

You May Also Like

Most Read