Latest News

Mental health ng mga mag-aaral bantayan

Hinihikayat ng isang professor mula sa De La Salle University ang kanyang mga kapwa guro na bantayan ang mental health ng mga mag-aaral.

Sa isang webinar, sinabi ni Maria Caridad Tarroja, na guro sa psychology, kapwa ang estudyante at guro ay naga-adjust sa remote learning ginawa noong pandemic at ngayon ipinatupad na ang face-to-face classes kinakailangan na muli silang mag adjust.

“Online classes may be okay for some, but these may have been overwhelming for some,” ayon kay Tarroja at ang stress ay malaking hamon sa mga mag-aaral.


Nabatid na pinigil ng pandemya ang mga estudyante na makipaghalubilo sa kapwa at ang on line classes naman ay nagdulot ng karagdagang gastusin at hamon sa teknolohiya at maging access sa internet.

Ayon kay Tarroja maging ang social media ay nakaapekto sa mental health ng mga mag-aaral kung saan ikinukumpara ng mga estudyante ang kanilang sarili o base sa likea na natatanggap sa kanilang posts.

Inirekomenda run ni Tarroja na alisin ang mga nakaka-adik ba applications at patayin ang notifications at payagan lamang na magpokus at iprayoridad sa mga produktibong aktibidad.

Sinabi pa ni Tarroja na ang stress ay may iba’t ibang epwkti sa katawan gaya ng depresyob,pagtaas ng blood pressure ,panganib sa heart attack,pananakit ng tiyan at kasu-kasuan.


“You can pinpoint mental health challenges by observing behavioral changes. For example, the student used to be so active in recitation, and now he or she is not,” dagdag ni Tarroja.

Iminungkahi rin ni Tarroja na dapat.makipag ugnayan ang paaralan sa mga hardware at software firms para.mai-promote ang safe internet sa mga bata at teenagers. (Anthony Quindoy)

Tags:

You May Also Like

Most Read