Latest News

Mensahero, nagbaril sa sarili, sugatan

By: Baby Cuevas

Di nagawang mapuruhan ng isang 53-anyos na mensahero ang kanyang sarili matapos na magbaril sa dibdib kahapon ng madaling araw sa Paco,Maynila.

Dinala at inoperahan sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Angelito Apelo , Jr., ng No. 1388 Icaciano St., CitiGold Builders Center 2, Paco, Maynila, dahil sa isang tama ng bala sa dibdib.

Napag-alaman kay PCpl Rudy Ramirez ng Manila Police District -Station 5 na alas- 5:15 ng madaling araw nang makarinig ng putok ang security guard na si John Beker sa may 1345 Citi Gold Builders Center 1 Commission Pilipinos Overseas na matatagpuan sa Lanuza Street corner Quirino Avenue, South Bound Brgy. 685 Zone 74, Paco Maynila.


Tiningnan umano ni Beker ang pinanggalingan ng putok at nakita ang biktima na duguan ang kaliwang dibdib. Kaagad umanong isinakay ni Beker ang biktima sa tricycle at dinala ito sa OsMa.

Ayon kay Ramirez, hindi pa niya nakakausap ang biktima para matiyak kung nagtangka nga itong magpakamatay.


Sa ngayon ay patuloy namang iniimbestigahan ang insidente ng pulisya.


Tags: Manila Police District - Station 5

You May Also Like

Most Read