Latest News

Mendoza criminal group member, 3 pa arestado sa illegal drugs

By: Baby Cuevas

Isang miyembro ng Mendoza criminal group at tatlong iba pa ang dinakip sa isinagawang buy- bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District – Police Station 4 Miyerkules ng hatinggabi sa Sampaloc,Maynila.

Kinilala ni PMaj Gil John Lobaton Ng MPD-PS 4,ang mga suspek na sina Glen dela Cruz,41,miyembro ng Mendoza criminal group; Jonathan Lausin,alyas Suma,46; Paolo Mari Jacinto,alyas Pao,21 at Mark Anthony Marquez,18.


Ang mga suspek ay naaresto alas 11:50 ng gabi sa may panulukan ng Vicente Cruz at Laon-laan St. sa Brgy.486 , Zone 48, Sampaloc, Maynila.

Nakuha sa mga suspek ang 55 gramo ng shabu na may street value na P374,000; P500 buy bust money at kulay itim na coin purse.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 4

You May Also Like