NAGPASALAMAT si Vice Ganda matapos siyang hiranging #1 most followed male influencer.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Meme Vice ang screenshot ng male influencers na pasok sa listahan kung saan siya ang nangunguna.
Kabilang sa listahan sina Manny Pacquiao, Vhong Navarro, James Reid, Daniel Padilla at marami pang iba.
Sa kanyang post, sinabi ni Vice ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga tagahanga at followers na patuloy na sumusuporta sa kanya.














