Latest News

Medicine student, natagpuang patay

Nakahandusay sa sahig nang matagpuan na walang buhay ang isang 23- anyos na medicine student kamakalawa ng gabi sa tinutuluyang bahay sa Sampaloc,Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSSg Irene Jay Manalili,ng Manila Police District-homicide section,nakilala ang biktimang si Mariah Juleah Huliano ng 958 Marzan St., Sampaloc, Maynila.

Nakita umano ng kàanak ng biktima na sina Ziane Gulay at Dana Lou Pabinguit ang biktima na nakahandusay sa sahig at wala nang buhay alas-8:30 ng gabi.


Ayon kay Pabinguit, huling nakitang buhay ang biktima noong Linggo at sumasakit umano ang tiyan.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ang biktina na palatandaan na sinaktan bago pinatay.

Tags: PSSg Irene Jay Manalili

You May Also Like

Most Read