NADAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation- Special Action Unit (NBI-SAU), ang isang medical student sa isinagawang buy bust operation ,kamakailan sa Quezon City.
Kinilala ni NBI-Officer-In-Charge (OIC)Director Eric B. Distor, ang suspek na si Rose Vill Maldo alyas Arvie Maldo.
Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek matapos na makatanggap ng impormasyon ang NBI-SAU, na isang medical practitioner ang nagbebenta ng Cannabis oil online bilang gamot sa cancer, epilepsy, pain relief at iba pang sakit at bilang additive sa e-cigarette/vape juice.
Nakumpirma naman ng NBI ,ang iligal na aktibidad ng ng suspek kaya ikinasa ang buy bust operation.
Si Maldo ay naaresto ng mga ahente NBI ng noonh Marso 9 sa isang coffee shop sa Barangay Doña Imelda sa Quezon City at nakumpiska ng 27 ml ng Cannabis oil na may market value na Php 26,000.00, isang 9mm Taurus G3 pistol at ilang bala.
Nang eksaminin ng Forensic Chemistry Division (NBI-FCD) nakita ang nakahalong Tetrahydrocannabinoil, dangerous drug at nalaman rin na may si Maldo ay may License to Own and Possess Firearm na may expiry date sa Marso 4, 2023 pero bigo si Maldo na makapagpakita ng
Certificate of Exemption sa Gun Ban.
Inamin naman ng suspek na hindi siya lisensiyadong doktor kundi isang medical student/intern.
Si Maldo ay sinampahan ng paglabag sa Section 5 ng R.A. 9165 kilala bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Comelec Resolution No. 10728 in relation to Omnibus Election Code, at Article 172 in relation to Article 171(Falsification by Private Individual and Use of Falsified Document) ng Revised Penal Code, sa Quezon City Prosecutors Office.