Latest News

MEDICAL EDUCATION SA SAMAR, APRUBADO NA SA CHED

By: Jaymel Manuel

Aprubado na sa Commission on Higher Education (CHED) ang government authority application ng Doctor of Medicine Program sa Samar Island Institute of Medicine (SIIM) ng Samar State University (SSU), ayon kay CHED Secretary Prospero de Vera III.

Ani De Vera: “The expansion of medical education in Samar will facilitate the implementation of Republic Act No. 11509 or the Doktor Para sa Bayan law as there is no state college or university in Eastern Visayas where poor but deserving students can become doctors.”

Ang University of the Philippines (UP) School of Health Sciences sa Palo, Leyte ay mayroon namang medical program gamit ang “ladderized system.”


Sa ilalim ng sistema, ang mga mag-aral ay scholars ng mga lokal na pamahalaan at hindi nito pinahihintulutan ang direktang enrollment ng mga estudyante.

Sinabi ni De Vera na layon ng “Doktor Para sa Bayan” Law na madagdagan ang bilang ng mga doktor na magsisilbi sa mga malalayong lugar, sa pamamagitan nang pagtatayo ng Medical Scholarship and Return Service (MSRS) program para sa mga kuwalipikadong estudyante sa mga state universities and colleges (SUCs) o mga partner private higher education institutions (HEIs) sa mga rehiyon, na hindi pa nag-aalok ng medical course.

Napag-alaman na mayroon nang mahigit sa 2,000 mahihirap ngunit ‘deserving students’ ang kasalukuyang may scholarship sa public and private-partner medical schools sa bansa, sa ilalim ng “Doktor Para sa Bayan law. ”

Sa pagkakadagdag sa SSU, nasa 20 na ang medical public schools sa bansa at kabilang dito ang walong SUCs sa Luzon, lima sa Visayas at pito sa Mindanao.


Tags: CHED Secretary Prospero de Vera III

You May Also Like

Most Read