MEDIA SINALANG SA PAG-AARAL NG NSA, PARA MAGING KATUWANG SA ISYU NG WEST PHILIPPINE

By: Victor Baldemor Ruiz

Kasunod ng paglabas ng China ng kanilang revised standard map na minarkahan ng kanilang 10 Dash Line para lumawak ang saklaw sa pinag aagawang teritoryo sa West Philippine Sea ay iminulat naman ng National Security Council ang ilang kasapi ng media hinggil usapin ng West Philippine Sea partikular sa United Nation Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) at legality ng 2016 Arbitral Ruling.

Isang joint seminar ang isinagawa kahapon sa pangunguna ng NSC katuwang ang Philippine Coast Guard , Presidential Communication Office Department of Foreign Affair at iba pang ahensya ng gobyerno para sa ilang mamahayag sa layuning linawin ang mga legal na isyu na may kaugnayan sa west Philippine sea at legal territorial claims ng mga nag-aagawang bansa .


Isa sa mga layunin ng nasabing seminar na may Temang “Navigating the West Philippine Sea issue: Understanding the UNCLOS, the Philippine Position, and the 2016 Arbitral Award na makatulong ang media sa pagpapaliwanag sa sambayanan hinggil sa tunay na isyu at karapatan ng Pilipinas sa mga pinag aagawang teritoryo sa South China Sea.

Target din ng nasabing pag aaral na makatulong ang media na imulat ang tao na huwag magpalinlang sa mga fake narratives na ipinakakalat hinggil sa umiiral na sigalot gaya ng ginagawa ng China sa West Philippine Sea.

Una rito ay naghain nang diplomatic protest ang pamahalaan laban sa inilabas na bagong bersyon ng China para sa kanilang 10 dash line standard map sa South China Sea.


Kinumpirma ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Asean Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu.

Ayon kay Espiritu, nanindigan ang pamahalaan na hindi pabor dito ang bansa at ito ay niri-reject ng Pilipinas.Sinabi pa ni Espiritu, patuloy na itinataguyod ng Pilipinas ang mapayapang resolusyon sa ganitong isyu.


Sa nasabing seminar ay sinasabing layunin lamang ng ginawang pagpapalabas ng China ng kanilang bagong mapa ay upang gawing legal at palawakin ang sinasaklaw nilang teritoryo kabilang ang ilang pulo at bahur ana inaangkin din at nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Inihayag ng DFA, na ang panibagong pagtatangkang ito ng China na gawing lehitimo ang kanilang soberenya sa Philippine features at maritime zones ay walang batayan sa ilalim ng International Law, lalo na sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.


Kaya panawagan ng DFA sa China na maging responsable at sumunod sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award.

Tags: United Nation Convention on the Law of the Seas (UNCLOS)

You May Also Like