Guest ni Ogie Diaz na si McCoy De Leon sa kanilang YouTUbe Channel, ang Showbiz Update.
Sa programa ay emosyonal na kinowernto ng actor na ilang beses siyang naisalba ng anak na si Felize.
Aniya, dalawang pagkakataon nang nailigtas siya ng anak sa hindi inaasahang paraan.
Iyun umano ang naging dahilan n upang ipagpatuloy pa ang buhay.
Ayaw daw niya lumaki na walang ama ang kanilang anak ni Elisse Joson.
Idinetalye ni McCoy ang pagkakataong sinarili na lamang niya ang problema at piniling mapag-isa.
Aminado siyang nakaisip kitilin ang sariling buhay, subalit nabago dahil lamang sa larawan ng kanyang anak. “Nasa edge na ako ng window, and sabi ko, ayoko na. Kasi di ko na maprotektahan ‘yung sarili ko din. Pa’no ko sasagipin yung sarili ko, hindi ako nagsasalita. Kinimkim ko,” pagbabahagi ng aktor.
“Ni-request ko lang na makita yung picture ng anak ko. Then after ‘nun, nung makita ko ‘yung picture ng anak ko, na-realize ko na from now on, kaya ko iko-continue ang life ko para sa baby ko.”
“Ayaw ko siyang lumaki na walang tatay,” naiiyak niyang nasabi.
Ayon pa kay McCoy, sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, iniaalay niya ito para sa anak na si Felize na siyang dahilan para ipagdiwang niya ang biyaya ng buhay.
Sa kasalukuyan, siya ay isa sa mga pangunahing kontrabida sa FPJ’s Batang Quiapo, kung saan ginampanan niya ang papel ni David Dimaguiba, isang karakter na bagaman kinaiinisan ng maraming sumusubaybay ay nagsisilbi parin itong patunay na pinaghuhusayan niya ang kanyang pagganap.
Katunayan, nakakatanggap siya ng mga banta sa kanyang buhay dahil sa makatotohanan niyang pagganap sa kanyang role.