Mayorya ng Pilipinong Katoliko ang gusto na ‘cash gift’ ang matanggap kesa items sa darating na Pasko.
Ito ay base sa isinagawang survey ng Veritas Truth Survey (VTS) mula Nobyembre 1 hanggang 30 mula sa 1,200 na respondents.
Tinanong umano ng VTS sa mga respondent kung anong klase ng regalo ang gusto nilang matanggap ngayong Pasko.
Nabatid na 38% ng respondents ang nagsabi na ang gusto nilang regalo ay cash, habang 32% ang gusto na ang regalo na “in kind”.
Samantala, 22% naman ng respondents ang nagsabi na kahit cash o in kind at 8% naman ang decided.
Sa mga respondents, 39% ang babae na gustong matanggap ay cash gift na mas mataas sa 37% na lalaking respondents habang sa edad, ang teenagers na may edad 13-20 ay 58% ang may gusto na ang regalo ay “in kind”; at 17% ang may gusto ng cash gift at 17% naman ang gusto na kahit cash o in kind at 8% ang undecided.
Sa young adults na may edad 21-39 ay 53% naman ang gusto ng cash gift, 25% ang gusto ng in kind at 15% ay kahit na cash o in kind at 7% ay undecided.
May 3t% naman ng respondents na nasa edad.40-60 ang nagsabi na mas gusto.nila ng cash gift at 35%,ang gusto ang in kind habang 27% ang gusto ang cash o kind at 3% ang undecided.
Sa mga matatandang respondent na nasa edad 61 pataas, nasa 34% ang may gusto ng cash gift habang 31%,ang gusto ay in kind at 23% ang kahit cash o in kind samantalang 12%,ang undecided. (Jaymel Manuel)














