Latest News

MAYOR, SUSPEK SA PAGPATAY SA AKO-BICOL PARTY REP., HULI NG CIDG

By: Victor Baldemor Ruiz

MATAPOS ang may anim na taong pag-iwas sa batas ay hawak na ngayon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isa sa mga akusado sa pagpatay kay AKO BICOL partylist Cong. Rodel Masigan Batocabe at police escort nito na si Police Senior Master Sergeant Orlando Diaz noong December 2018.

Ayon sa ulat na ibinahagi ni CIDG Director PMGen. Leo Francisco, inaresto si Baldo sa bisa ng warrant of arrest dahil sa dalawang bilang ng kasong murder na inilabas ng korte.

Napag-alaman na naglunsad ng law enforcement operation ang mga tauhan ni MGen. Francisco at pasado hatinggabi na ang resulta sa pagkakadakip kay Baldo.


Sinabi pa ni Mgen Leo Francisco na mula nang ma-activate ang Special Investigation Task Group BATOCABE ay hindi nila tinantan ang pagtutok sa kaso mula sa filing ng murder case laban kay Baldo at lima pa nitong co-accused, hanggang sa ito ay maaresto.

Samantala, ginarantiyahan din ng CIDG na maayos at lehitimo ang kanilang operasyon dahil suot nila ang PNP- issued body worn cameras sa pag-aresto sa suspek.


Tags: Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP -CIDG)

You May Also Like

Most Read