Mayor, me otoridad mag-disiplina ng opisyal at empleyado sa ilalim ng kanyang hurisdiksyon

May awtoridad ang isang local executive na disiplinahin ang lahat ng opisyal at empleyado na nasa ilalim ng kanyang hurisdiksiyon.

Ito ay matapos katigan ng Supreme Court(SC) ang petition for review on certiorari ni dating Valenzuela Mayor at ngayon Senator Sherwin T. Gatchalian
ang awtoridad nito na mag disiplina ng isang opisyal at empleyado nasa kanyang hurisdiksiyon.


Nabatid na kinuwestiyon ni Gatchalian ang ruling ng Civil Service Commission (CSC) at ng Court of Appeals (CA) na nagoawalang bisa sa kasong Sexual Harassment at preventive suspension laban sa isang empleyado ng city givernment na unang kinasuhan ng isang babaeng nag on-the-job trainee (OJT) noong Disyembre,2011.

Nabatid na binaligtad rin ng SC ang ruling CSC at CA at kinatigan ang iniuyos niyang pagsasampa ng kaso ay preventive suapensiyon inisyu noong 2012 laban sa respondent Romeo V. Urrutia, Records Officer IV sa Council Secretariat, Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela City at Chair ng Board of Directors ng City Government ng Valenzuela City Employees Cooperative.

Sa ilalim umano ng Section 87 ng LGC of 1991 ,binigyan nito ng kapangyarihan ang local chief executive na magpataw nang kaukulang parusa sa mga nagkasalang


” the LGC of 1991 generally applies to the case at bar, but added that the more specific law that applies to the Sexual Harassment violation committed by a government employee like Urrutia is CSC Resolution No. 01-0940 or the Rules on Sexual Harassment Cases,”ayon sa SC.

Sinabi pa ngbSC na nagkamali ang CA sa pagbasura sa petisyon ni Gatchalian dahil sa basehan na walang kapangyarihan ang alkalde na disuplimahin si Urrutia at tanging ang Vice Mayor ang.may awtoridad na mag disiplina sa kanya dahil siya ay empleyado ng City Council. (Anthony Quindoy)


Tags: Supreme Court(SC)

You May Also Like