MAYOR , ISA PANG LGU OPISYAL INARESTO SA KASONG RAPE

By: Victor Baldemor Ruiz

TATLONG kalalakihan na kinabibilangan ng isang town mayor, isang konsehal ng bayan at isa pang akusado ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police sa bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan, kahapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, Pandi Councilor JonJon Roxas at isa pang co-accused matapos na silbihan ng warrant of arrest sa isang resort sa Pandi , Martes kamakalawa ng gabi.


Ayon kay PNP-National Capital Region Police Office chief PBGen. Anthony Aberin, naglunsad ng law enforcement operation ang kanilang tracker team bitbit ang arrest warrant na inilbas ng korte laban kina Roque, JonJon Roxas at isa pang kasabawat umano sa kasong pangagahasa.

“This operation is a strong reminder that no one is above the law. Our assurance is that NCRPO will pursue justice without fear or favor, ensuring accountability for everyone,” ayon sa inilbas na pahayag ni Aberin.

Inakusahan ng isang babae ang tatlong akusado ng panghahalay na naganap sa Caloocan City noong April 6, 2019, pahayag ni Northern Police District Special Operations Unit (DSOU) chief PLtCol. Alain Licdan, kung saan sila pansamantalang naka-detine ngayon habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento


Tahasang itinanggi ng tatlong suspek na naghain ng motion to quash the arrest warrant and information, ang mga alegasyon na umano ay gawa-gawa lamang at “politically motivated”.


Tags: Bulacan Mayor Enrico Roque, Pandi, Pandi Councilor JonJon Roxas

You May Also Like