Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at MDSW chief Re Fugoso (gitna) ang lungsod ng Maynila sa pakikiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, VM YUL PINANGUNAHAN ANG KAMPANYA LABAN SA KARAHASAN SA KABABAIHAN SA MAYNILA

By: Jerry S. Tan

“Manila VAW Free Na, Magnificent Pa! Bawal ang Bastos sa Maynila!”

Sa ilalim ng ganitong prinsipyo ay pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang lungsod ng Maynila sa paninindigan nito na bigyan ng buong proteksyon ang karapatan ng mga kababaiihan at pagtataguyod ng gender equality.


Ayon kay Lacuna, ang nasabing advocacy campaign sa Maynila ay pinangununahan ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) directore Re Fugoso, na nagsabing ang kanyang tanggapan ay tuloy-tuloy lamang ang pakikipagtulungan sa iba pang concerned government units para sa isang VAW-free Manila.

“We in Manila stand in solidarity with the 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW), running from November 25 to December 12, 2024. This nationwide advocacy aims to raise awareness, promote action, and strengthen support for ending all forms of violence against women and girls,” ani Lacuna.

Inihayag pa ni Lacuna na : “Under this year’s theme, “United for a VAW-free Philippines and sub-theme: VAW: Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras”, we encourage everyone to take part in activities that empower women, educate the community and foster safe spaces for all.”


Kaugnay nito ay nananawagan si Lacuna ng pagkakaisa upang lumikha ng pamayanan kung saan ang mga kababaiihan ay maaaring mamuhay nang walang pangamba o takot na sila ay mabiktima ng sa karahasan o diskriminasyon.


Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like