Masayang nilapitan ni Mayor Honey Lacuna si City Administrator Bernie Ang na binigyan siya ng bouquet of flowers bilang pagbati sa kanyang kaarawan sa Mayo 6. Nasa larawan din ang staff ni Ang na sina (mula kaliwa) Marilou Sales, Maricar 'Sunshine' Lat, Josephine Maniquis-Salonga, Danilo Lat at assistant city administrator Joy Dawis.

MAYOR HONEY, SENIOR NA DIN, BIRTHDAY WISH ANG PATULOY NA MAKAPAGLINGKOD SA MGA MANILENYO

By: Jerry S. Tan

KASAMA na si Mayor Honey Lacuna sa hanay ng mahigit 200,000 senior citizens sa Maynila sa pagdiriwang nito ng ika-60 kaarawan ngayong Martes, Mayo 6.

Sa advance na pagbati sa kanya ng mga kawani at opisyal ng Maynila sa ginanp na flagraising ceremony nitong Lunes, sinabi din ni Lacuna na ang kanyang birthday wish sa kanyang kaarawan ay ang patuloy na makapaglingkod sa mga Manilenyo.

Si Lacuna ay sorpresang kinantahan at halinhinang inalayan ng mga mga regalo at bulaklak ng mga opisyal at kawani ng lungsod sa pangunauna ni City Administrator Berrnie Ang, kung saan malugod na nagpasalamat si Lacuna sa patuloy suporta nilang lahat.


Naging tampok din sa okasyon ang pag-prisinta kay Lacuna ng higanteng replica ng senior citizen card na inisyu ni Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) head Elinor Jacinto at ng kanyang mga staff, bilang simbolo ng kanyang opisyal nang pagiging senior citizen na naninirahan sa Maynila

Ayon kay Lacuna, simple lang ang kanyang hiling para sa kanyang kaarawan at ito ay ang maipagpatuloy niya ang kanyang paglilingkod sa mga Manilenyo dahil nais umano niyang maisakatuparan ang lahat ng kanyang mga programa para sa kapakinabangan ng mga mamamayan sa lungsod na kanyang nasasakupan.


Inaasam rin umano ng alkalde na makakolekta pa ng mas maraming buwis ang kanyang administrasyon sa loob ng susunod na tatlong taon para higit pang matulungan ang mga residente at makapagpatupad ng mas maraming mga programa para sa kanilang kapakinabangan.

Matatandaan na una nang dinoble ni Lacuna ang monthly allowance ng senior citizens, na mula sa dating P500 ay naging P1,000 na sa ngayon.


Ani Lacuna, pursigido siyang lalo pang pagbutihin ang kanyang pagtatrabaho para madoble din niya ang allowance ng iba pang sektor na kabilang sa social amelioration program (SAP) ng lungsod.

Napag-alamang sa ilalim ng SAP, ang mga persons with disability (PWDs), solo parents at minors with disability (MWDs) ay nakatatanggap ng monthly cash aid na tig-P500 mula sa lungsod, habang ang mga mag-aaral naman ng Universidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay nakakatanggap naman ng tig-P1,000 kada buwan.

Sa kaso naman ng senior citizens, inutos na rin ni Lacuna ang pagpapalit ng dating birthday cakes sa cash , batay na rin sa hiling ng mga seniors mismo.

Nabatid na ang nasabing cakes na ipinamimigay ay overpriced at hindi rin naman pinakikinabangan ng mga seniors sa dahilang karamihan sa kanila ay mga sugar-related illnesses na tulad ng diabetes, at iba pa.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read