Ito ang pekeng account na ipinangalan kay Mayor Honey Lacuna na aniya ay personal account. Ang 'Dra. Honey Lacuna' ay isang Facebook page at 'di personal account.

MAYOR HONEY, ME PEKENG FB ACCOUNT NA NAMAN

By: Jerry S. Tan

MERON na namang pekeng media account na lumitang sa social media gamit ang pangalan ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Kaugnay nito ay nagbabala ang alkalde sa publiko at humingi ng tulong sa media sa pagpapakalat ng imprmasyon na may isang pekeng Facebook account na gumagamit ng kanyang pangalan.


“Para po sa kaalaman ng lahat, mayroon pong kumakalat na poser Facebook account na ginagamit ang aking pangalan at kinokopya ang aking mga posts para magmukhang ito ang aking page.”

Idinagdag pa niya na: “Kami po ay humihingi ng tulong na ma-ireport ang fake account na ito: www.facebook.com/jenny. basilonia.940.

Nais ko pong ipaalam sa inyo na ang aking official Facebook page ay ang http://www.facebook.com/ DoktoraHoneyLacuna.


Nagbabala din ang lady mayor sa publiko na wag magpalinlang sa nasabing fake account at pinasalamatan din ang mga nag-ulat ng nasabing pangyayari sa kanya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pineke ang Facebook account ng alkalde .


Noong Agosto ng nakaraang taon, ganito irn ang nangyari kung saan mismong ang spokesperson ni Lacuna na si Atty. Princess Abante ay naglabas pa ng Isang statement na nagsasaad ng ganito.: We ask the public to help report this unauthorized social media account impersonating the City Mayor.”

Sinabi ni Lacuna na ang Facebook page ng alkalde ay ginawa upang bigyan ng accurate at updated na impormasyon ang mga residente ng Maynila ukol sa mga ginagawa ng kanyang administrasyon.


Ikinalulungkot ng alkalde ang ayon sa kanya ay panibagong pagtatangka upang iligaw ang publiko.

Maliban sa official Facebook account ni ‘Dra. Honey Lacuna,’ ang Isa pang lehitimong pagkukunan ng impormasyon tungkol sa Maynila ay ang ‘Manila Public Information Office or (MPIO) Facebook account, ayon kay Abante.



Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Latest News