Maynila,binaha, nag-traffic at nag-iwan ng maraming stranded

Naging pasakit sa maraming commuters ang walang humpay at maghapon na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Maynila at iba pang lugar sa Metro Manila. Ang flood control ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid na ala- 8 ng umaga nang magsimula ang walang tigil na pag-ulan hanggang alas -8 ng gabi.

Kabilang sa binaha sa Maynila ay ang kahabaan ng Taft Avenue, Espana ,Tondo,R.Papa at iba pang lugar.


Sanhi nito,maraming commuters ang naipon sa kalsada at na- stranded dahil.walang masakyan na pampasaherong jeep. (Jaymel Manuel)

 


Tags: Metro Manila Development Authority (MMDA)

You May Also Like

Most Read