Ipinagdiwang kahapon, June 24, ng lungsod ng Maynila ang ika-455 taon nito.
Sa temang “Matatag sa Hamon, Pinagtibay ng Panahon,” minarkahan ng pamahalaang-lungsod ang pagdiriwang ng founding anniversary nito sa pagkilala sa mga kawani na nakapagbigay serbisyo sa loob ng mahabang panahon, kung saan ang iba ay umabot ng hanggang 35 taon.
Sila ay binigyan ng pagkilala at pinasalamatan sa pagbibigay ng “years of loyal, efficient and quality service to the local government and its constituency.”
Nabigyan din ng award ang ‘outstanding citizens’ na nagtagumpay sa napili nilang ‘field of endeavor/’
Ito ay mga indibidwal, institutions, businesses at community organizations na ang kontribusyon ay nakatulong at patuloy na nag-aambag sa patuloy na progreso ng lungsod.
Kabilang din sa mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon ng ‘Araw ng Maynila’ ang lbreng guided tours sa Fort Santiago, historical exhibits sa Intramuros at’ festive shopping and dining specials’ sa isang mall sa Maynila.
Inalala din ang Battle of Bangkusay sa Plaza Moriones sa Tondo, isa sa mga huling organisadong pag-aaklas laban sa mga Espanyol.
Upang bigyan ng pagkakataon ang mga residente na makalahok sa mga aktibidad, idineklara ng Malacañang ang June 24, 2026 bilang isang special non-working day sa Maynila at San Juan.














