Latest News

Maymay Entrata, maramdaming nagpaalam sa ina

By: Beth Gelena

SOBRA ang pagdadalamhati ng Kapamilya singer and actress na si Maymay Entrata sa pagpanaw ng kanyang ina noong Biyernes, Mayo 16.

Sa isang maramdaming online post idinaan ni Maymay ang kanyang pamamaalam sa ina.


“Mahal kong Inay, isang malaking karangalan na ikaw ang naging Inay ko. Matapang mong hinarap ang lahat ng pagsubok at sakripisyo para maitaguyod kaming buong pamilya.

“Mamimiss kita Inay, mamimiss ko ang taong nagmahal at habang buhay mamahalin ako ng buo,” caption ni Maymay sa video na ipinost nito sa kanyang social media accounts.

“Sa ‘yo ko natutunan ang magmahal ng walang kapalit at habang buhay dala-dala ko lahat ng natutunan ko mula sa’yo,” sabi pa ni Maymay.



Matagal nang overseas Filipino worker ang Mama Lorna ni Maymay sa Japan, na matagal ding nilabanan ang sakit niyang cancer.

 


Tags: Maymay Entrata

You May Also Like